Sa Lipa, Batangas na nadakip ng mga awtoridad ang isang construction worker na wanted sa bayan ng Pateros sa kasong paglabag sa anti-VAWC law o anti-violence against women and their children act.
Kinilala ang akusado na si John Dale Funelas, 22 taong gulang, at residente ng Brgy. Inuslaban sa Lipa.
Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagtatago si Funelas sa Lipa dahilan upang puntahan ito ng mga awtoridad at isinilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Joy Casihan Dumlao ng Pateros, RTC Branch 262.
Tatlong libong piso ang itinakdang piyansa ng korte laban kay Funelas na ngayo’y nakakulong na sa custodial facility ng Pateros PNP.