Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Wao sa Lanao del Sur mag-a-alas-3:00 kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang nasabing lindol ay may lalim na 9 kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman ang intensity 5 na lindol sa Kadingilan, Bukidnon, intensity 4 sa Pangantukan, Bukidnon, intensity 3 sa Maramag, Bukidnon at intensity 2 sa Cagayan de Oro City.
Matapos ang naturang pagyanig, magkakasunod na aftershocks na ang naitala sa bayan ng Wao.
Samantala, mag-a-alas-7:00 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.3 na lindol sa 104 kilometers hilaga ang bayan ng palapag sa Northern Samar.
May lalim itong 33 kilometers at tectonic in origin.
Makalipas ang 45 minuto, niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental ang sentro ay natukoy sa 27 kilometro timog ng Sarangani.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.
—-