Isang buwan muling magsasanay ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Palawan para sa isang war fighting training.
Ngunit ayon kay col. Benjamin Hao, spokesman ng Philippine Army, walang live fire drill na magaganap ngayon kumpara nuong isang taon bagama’t makahahawak pa rin naman ang mga ito ng baril.
Paliwanag ni Hao, nagbaba ng guidelines ang Department of National Defense hinggil sa nasabing pagsasanay kung saan, hindi magpapaputok ng baril ang mga sundalo ng Amerika at Pilipinas habang nagsasanay sa labas ng kampo.
Nuong Lunes pa nagsimula ang war fighting training ng dalawang bansa na tinawag na “balance piston” at inaasahang matatapos ito sa Disyembre 14.
By: Jaymark Dagala