Umarangkada na ang taunang Philippine Amphibious Landing Exercise o PHIBLEX 33 sa pagitan Philippine Marines at US Forces sa kabila ng pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbantang hanggang ngayong taon na lamang ang joint military activities.
Tinatayang 500 sundalong Filipino at 1,400 Amerikano ang lumahok sa aktibidad na nakatutok sa pagpapalawak ng kakayahan ng dalawang bansa sa paghahanda sa anumang kalamidad o kaguluhan gaya ng digmaan.
Magtatagal hanggang Oktubre 12 ang nabanggit na aktibidad na isasagawa sa ilang bahagi ng Luzon partikular sa Palawan na malapit sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea.
Taunang isinasagawa ang war games sa pagitan ng Pilipinas at US alinsunod sa Visiting Forces Agreement na bahagi ng mutual defense treaty na nilagdaan ng dalawang bansa noong 1951.
By Drew Nacino