Kahit abala ang mga pulis sa paghahanda sa darating na eleksyon, walang tigil ang war on drugs at kriminalidad.
Ito’y matapos madakip ang isang kilabot umanong drug pusher kung saan nasabat mula rito ang higit 1.3 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Roldan Street, Brgy. New Lower, Taguig City.
Kinilala ni Southern Police District PBGen Jimili Macaraeg na si Akmad Sumlay, tatlumpung taong gulang, at isang driver.
Maliban sa buy-bust money, nakumpiska rin sa operasyon ang P1.3M na halaga ng umano’y shabu, isang belt bag, at digital weighing scale o timbangan.
Inihahanda na ang reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act laban kay Sumlay.