Malaki ang naitulong ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ngayong taon.
Ito ang iginiit ng National Capital Region Police Office matapos maitala ang nasa 25 porsyentong pagbaba ng mga naitalang krimen sa Metro Manila ngayong 2018.
Kasunod anila ito ng pagkakaaresto ng halos 49,000 suspected drug user at pushers, pagnutralisa sa mahigit 1,500 mga drug personality at pagsuko ng mahigit 200,000 sa ilalim ng Oplan Tokhang ng pulisya.
Iginiit ng NCRPO, malinaw na ipinakikita nitong mas bumaba ang mga naitalang insidente ng krimen sa kalye nang mabawasanang mga drug addict.
Bukod dito, malaki rin anila ang naitulong ng mas mahigpit na presensya ng pulisya sa lansangan at pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para mapigilan ang krimen.