Ipinag-utos ni PNP Director for Operations Police Maj. General Valeriano De Leon sa lahat ng station commanders na lawakan ang kanilang intelligence monitoring para sa mas epektibong kampanya kontra iligal na droga.
Kasunod ito ng pagkakasabat ng mahigit 1.7 milyong pisong halaga ng shabu sa magkasunod na operasyon sa Quezon City at Dasmariñas, Cavite, kamakalawa.
Sinabi pa ni De Leon na kanya ring inatasan ang station commanders na palakasin ang kooperasyon sa mga barangay captain para sa pagtukoy ng mga sangkot sa droga.
Kailangan aniya ng pagtutulungan ng mga pulis at mga miyembro ng komunidad para sa mas agresibong kampanya.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod narin aniya sa pahayag ni DILG Secretary Bejamin Abalos Jr. na sisiguraduhin niya na may suporta ang kampanya kontra droga mula sa stakeholders at iba pang ahensya ng pamahalaan hanggang sa barangay. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)