Hinimok ng International Criminal Court ang mga testigo na makipagtulungan sa kanila kung may alam sa kontrobersyal na war on drugs nang nakaraang administrasyon.
Kasabay nito, binuksan na ng ICC ang online portal para sa pagsusumite ng impormasyon sa nasabing war on drugs.
Ayon kay Atty. Kristina Conti, ICC Assistant to Counsel, pahihintulutan nila ang sinumang may kapanipaniwalang impormasyon sa usapin na direktang isumite sa tribunal kung saan ang impormasyon ay pananatilihing confidential.
Tiniyak din ng ICC na dadaan sa masusing imbestigasyon ang anumang impormasyong isusumite ng mga testigo basta’t may matibay na ebidensya ang mga ito.
Bukod sa drug war campaign, iniimbestigahan din ng korte ang mga krimeng kinasasangkutan ng tinaguriang Davao Death Squad na sinasabing binuo ni dating pangulong Rodrigo Duterte nuong alkalde pa ito ng Davao City. - Sa panulat ni Jeraline Doinog