Aminado si PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na maaaring hindi pa umaabot sa limampung porsyento ang gobyerno sa pagsugpo sa illegal drugs, dalawang taon simula nang maluklok sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Albayalde, ay kahit napakarami na nilang na-aaresto o nakaka-engkwentrong mga drug suspect.
Bukod dito ay mayroon pa rin aniya silang mga naitatalang insidente ng robbery at iba pang krimeng may kaugnayan sa droga.
Gayunman, nilinaw ni Albayalde na personal lamang niya itong opinyon at kumpiyansang masusugpo ng PNP ang problema sa iligal na droga sa ilalim ng Duterte administration.