Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na kinikilala at hinahangaan ng international police ang inilunsad nilang ‘war on drugs’.
Ito ang inihayag ni Dela Rosa sa kaniyang pagdalo sa INTERPOL o International Police Organization Conference sa Beijing, China noong isang linggo.
Ayon sa heneral, sang-ayon ang may dalawandaang (200) bansa sa buong mundo sa ginawang hakbang ng Pilipinas laban sa iligal na droga at nais pa itong gayahin ng ibang bansa tulad ng Indonesia.
Kasunod nito, pinayuhan ni Dela Rosa ang pinuno ng pulisya sa Indonesia na maging matapang at maging handa para sa kanilang paglulunsad ng giyera kontra iligal na droga sa kanilang bansa.