Nakitaan ng improvement ng Commission on Human Rights o CHR ang kampanya kontra iligal na droga ng Philippine National Police o PNP.
Ayon kay CHR Spokesperson Jackie de Guia, bumaba ang bilang ng mga nasawi sa war on drugs ng administrasyon nang ibalik ang Oplan Tokhang ng Pambansang Pulisya.
Umaasa naman ang CHR na mag-tutuloy-tuloy ang bloodless campaign ng mga awtoridad para tunay na maisulong ang karapatang pantao.
Gayunman, tiniyak ni De Guia na tuloy pa rin ang mahigpit na monitoring ng kanilang komisyon sa drug war ng pamahalaan.
—-