Aabot sa 74.3 billion pesos na halaga ng iba’t ibang iligal na droga at laboratory equipment ang nasabat sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa Talk to the People kagabi, iniulat ni Interior Sec. Eduardo Año ang status ng war on drug campaign ng administrasyon mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2021.
Ayon kay Año, 1,000 drug dens din at mga laboratoryo ang kanilang naipasara habang 319,929 naman ang naaresto at 6,221 ang nasawi sa anti-drug operations.