Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang warehouse ng mga pekeng lotion sa Sta. Cruz, Maynila.
Naabutan ng NBI-NCR ang kahon-kahong pekeng lotion ng Victoria’s Secret sa naturang imbakan na batay sa pagsusuri ay pawang tubig ang kalidad ng lotion.
Samantala, hindi pa mabatid ng mga otoridad ang halaga ng mga pekeng produkto habang nagpapatuloy ang imbentaryo.
Inaalam na rin kung sino o anong kumpanya ang nagmamay-ari ng sinalakay na warehouse. —sa panulat ni Mara Valle