Iginiit ni Sen. Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi kasalanan ng pederalismo ang warlordism.
Ayon kay Sen. Pimentel, wala pang pederalismo sa Pilipinas meron nang warlordism.
“Siguro hindi kasalanan ng federalism ang warlordism, una sa lahat kung nakikita natin ngayon na mayroon na warlordism na sa Pilipinas eh wala tayo federalism so di kasalanan ng federalism yan, kasalanan yan ng present set up yan.” Pahayag ni Sen. Pimentel.
Aniya ng senador, sa depinisyon ng pederalismo ng PDP-Laban, binibigyan nito ng sapat na kapangyarihan ang mga local government units (LGUs) kung saan mapoprotektahan din ito ng konstitusyon.
“Federalism actually sa PDP – Laban definition ng federalism, bigyan natin ng sapat na kapangyarihan ang LGUs tapos protektahan natin ang kapangyarihan ng LGU sa pamamagitan ng paglagay nito sa constitution. ‘Yun po ang federalism mo namin, wala po sinasabi na na magkakaroon tayo ng warlordism diyan kasi yung mga checks and balances nandyan pa din.” Ani Sen. Pimentel.
Inihalimbawa din ni Sen. Pimentel ang ilang bansa gaya ng US, Canada, Australia at Germany na may ganitong systema ng gobyerno kung saan wala itong warlordism.
Matatandaang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na kapag isinulong ang pederalismo sa bansa ito ay magpapalakas sa kapangyarihan ng mga local warlords.