Inisyu na ang warrant of arrest para kay Senadora Leila De Lima.
Inilabas ni Executive Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204.
May kaugnayan ang nakatakdang pag-aresto kay De Lima sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isinampa ng Department of Justice o DOJ laban kina De Lima, dating driver bodyguard niya na si Ronnie Dayan, at dating Bureau of Corrections Chief Rafael Ragos.
Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa warrant of arrest vs Sen. De Lima
Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na nasa loob pa ng tanggapan niya si Senadora Leila De Lima.
Sa gitna ito ng inaantabayanang paghahain ng warrant of arrest sa senadora.
Sinabi ni Hontiveros na kalmado at buo ang loob ni De Lima.
Gayunpaman, inamin ni Hontiveros na nagulat ang kampo ni De Lima dahil naghahanda pa ang kanyang abogado para sana sa pagdinig sa kanilang mga mosyon nang matanggap ang balita tungkol sa inisyung warrant of arrest.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senadora Risa Hontiveros
Pimentel nanawagan na maging kalmado ang lahat kaugnay sa napipintong pag-aresto kay De Lima
Nanawagan si Senate President Koko Pimentel na maging kalmado ang lahat sa gitna ng napipintong pag-aresto kay Senadora Leila De Lima.
Sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa” ng DWIZ, iginiit ni Pimentel na alinsunod sa mga patakaran ng korte ang magiging paghahain ng arrest warrant sa senadora.
Sinabi rin ng Senate President na sasamahan ng senate security si De Lima upang matiyak ang kanyang kaligtasan at seguridad.
PAKINGGAN: Senate President Koko Pimentel sa panayam ng DWIZ
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo / Cely Bueno / Jill Resontoc