Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Davao City Municipal Trial Court Branch 3 laban kay self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Ito ay kaugnay sa hindi pagharap ni Matobato sa arrainment nito sa kasong illegal possession of firearms na inihain laban dito noong 2014.
Una rito, umapela ang abogado ni Matobato na ipagpaliban muna ng korte ang hearing nito ngayong araw hanggang sa makapagdesisyon ang Korte Suprema sa kanilang mosyong mailipat ang paglilitis sa Maynila mula Davao dahil sa isyu ng seguridad.
Gayunman, ibinasura ng Davao Municipal trIal Court Branch 3 sa sala ni Judge Silverio Mandalupe ang naturang hiling ng kampo ni Matobato at sa halip ay ipinag-utos nito ang pagpapalabas ng arrest warrant.
By Ralph Obina