Binawi ng Pasig City Regional Trial Court ang mandamiyento de aresto laban kay Moro National Liberation Front o MNLF founding Chairman Nur Misuari.
May kaugnayan ito sa mga kasong rebelyon at paglabag sa international humanitarian law na isinampa laban sa kaniya ng Department of Justice.
Sa 8 pahinang kautusan na ipinalabas ni RTC Branch 158 Judge Maria Rowena San Pedro, ipinag-uutos din na pansamantalang suspindehin ang pagdinig sa isa pang kaso ni Misuari hinggil sa madugong Zamboanga Seige nuong 2013.
Kaugnay nito, inatasan din ng hukom ang mga law enforcement agencies tulad ng AFP, PNP at NBI na huwag munang ipatupad ang umiiral na arrest warrant laban kay Misuari para magbigay daan sa umiiral na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at ng MNLF.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo