Ihihirit ng Department of Justice (DOJ) ang pagbawi sa warrant of arrest laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.
Ito’y bilang bahagi umano ng pagtatangka ng pamahalaang duterte na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng Moro.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nakausap na niya si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza hinggil sa naturang usapin.
Paliwanag ng Justice Chief, bahagi ito ng peace talks upang walang anumang magiging problema sa panig ng MNLF na pinamumunuan ni Misuari.
Matatandaang kinasuhan si Misuari at gayundin ang daan-daang miyembro ng MNLF ng paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law at iba pang krimen matapos salakayin ang Zamboanga City noong September 2013.
By Jelbert Perdez