Hinihintay na ng Philippine National Police ang warrant of arrest laban sa mga leader ng Communist Party of the Philippines at mag-asawang sina Wilma at Benito Tiamzon at Adelberto Silva.
Ito’y makaraang ipag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 32 ang muling pag-aresto sa tatlo.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Dionardo Carlos, naghahanda na ang mga operatiba ng CIDG na siyang magpapatupad ng arrest warrant.
Sa Camp Crame noon nakakulong ang mag-asawang Tiamzon bago sila pansamantalang pinalaya para lumahok sa Peacetalks na kalauna’y kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte.