Ipinag-utos na ng Santo Domingo Regional Trial Court sa Nueva Ecija ang agarang pag-aresto sa mag live in partner na sina Maria Christina Sergio at Julius Lacanilao.
Ito’y may kaugnayan sa mga kasong large scale estafa at illegal recruitment na inihain ng National Bureau of Investigation o NBI.
Sina Sergio at Lacanilao ang itinuturong recruiter ng Pinay OFW na si Mary Jane Veloso na hinatulan ng parusang kamatayan matapos mahulihan ng mahigit dalawang kilo ng heroin sa Yogyakarta Airport sa bansang Indonesia.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kostudiya ng pulisya ang dalawa noong Abril 28, ilang oras bago ang dapat sana’y pagbitay kay Veloso sa Indonesia sa pamamagitan ng firing squad.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)