Posibleng makuwestyon sa korte ang warrant of arrest na ipinalabas ng senado laban sa mga itinuturong dummies ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Atty. Jayvee Bautista, Spokesman ni Binay, sa ilalim ng Saligang Batas, walang kapangyarihan ang senado na mag-isyu ng warrant of arrest.
Labag rin aniya ang ginawa ng senado na nag-cite in contempt ng mga personalidad nang wala namang ginawang pagdinig.
Binigyang diin ni Bautista na hindi makatarungan ang ginawa ng senado na i-cite in contempt maging ang mga walang kinalaman sa ginawang pagdinig ng senado sa di umano’y mga katiwalian ni Binay.
Tinukoy ni Bautista ang pagkakasama ng pamilya ni Businessman Antonio Tiu sa mga na cite in contempt ng senado.
Matatandaan na si Tiu ang humarap sa senate hearing at nagsabing siya ang tunay na may-ari ng tinaguriang Hacienda Binay sa Rosario Batangas at hindi ang Bise Presidente.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit