Papayagan ang warrantless arrest sa mga opisyal ng Barangay na nasa mismong mass gathering na nagsisilbing super-spreader events.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos balaan ng Pangulo ang mga namumuno sa Barangay na pinahihintulutan ang mga mass gathering sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Roque, na maaaring hulihin ng mga awtoridad ang mga mahuhuli sa aktong nasa super spreader events kahit walang dalang warrant of arrest ang mga ito.
Maaari rin umanong magkaroon ng pananagutan ang mga mahuhuling dumalo sa mass gathering.