Naitulak ng Golden State Warriors sa Game 6 ang serye sa Western Conference Finals ng National Basketball Association o NBA.
Ito’y matapos padapain ng Warriors ang Oklahoma City Thunder sa score na 120-111.
Si Stephen Curry ang bumuhat sa Warriors taglay ang kanyang 31 points habang si Kevin Durant naman ang nanguna sa Thunder sa pamamagitan ng kanyang 40 points.
Dahil dito, nakadalawang panalo na ang Golden State sa best-of-seven series habang tatlo naman sa panig ng Oklahoma, 3-2.
Ang game 6 ay gaganapin sa bakuran ng Thunder sa Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: nba.com