Tinakasan ng Golden State Warriors sa overtime game ang Oklahoma City Thunder sa score na 121-118.
Bumida si NBA scoring leader at kasalukuyang MVP Stephen Curry ng 46 points para sandigan ang Warriors sa panalo at makamit ang 53-5 win-loss record ngayong season.
Nagsalpak si Curry ng 12 na 3-pointer, kabilang na ang game winning 3-ponter sa layong 30 feet sa huling 0.6 seconds ng laro.
Naitala ni Curry ang pinaka maraming tres sa NBA single-game record.
Binura rin nya ang sariling record sa pinaka maraming tres na nagawa sa isang season sa pagtala ng bagong marka na 288.
Samantala, pinangunahan naman ni Kevin Durant ang Thunder na may 37 points, pero napaalis kaagad sa court sa overtime dahil sa personal fouls.
Dahil sa panalo, lumapit ang Golden State sa posibilidad na mapantayan hindi man malagpasan ang 72-10 marka na nagawa ng grupo ni Michael Jordan sa pamamayagpag ng Bulls.
By: Mark Gene Makalalad