Muli na namang nanaig ang Golden State Warriors kontra Houston Rockets sa Game 2 ng NBA Western Conference Finals.
Nagwagi ang Warriors sa pamamagitan lamang ng isang kalamangan sa iskor na 99-98.
Sa nalalabing segundo ng laro, sinikap pa ni James Harden na makapuntos para mai-angat ang Rockets ngunit napigilan ito ng matinding depensa at naagawan pa ng bola ng Warriors.
Nanguna sa panalo ng Golden State ang MVP na si Stephen Curry na kumana ng 33 puntos.
By Ralph Obina