Nakahanda pa rin ang Golden State Warriors kahit pa hindi makapaglaro sa Game 6 ng NBA Finals si Australian center Andrew Bogut.
Inaasahan ngayon ng Warriors sina Festus Ezeli, Anderson Varejao, James Michael Mcadoo at Marreese Speights ang siyang pupuno sa kakulangan ni Bogut.
Matatandaan na nagtamo ng knee injury si Bogut sa third quarter ng Game five nang direktang bumagksak sa kanyang binti si JR Smith ng cavaliers matapos na makabanggaan ito.
Gayunpaman, makakapaglaro na muli si All-Star Draymond Green matapos na masuspinde sa laro sa kanilang balwarte.
Ayon kay Klay Thompson, si Green ang “Heart and Soul” ng Golden State.
By: Mariboy Ysibido