Hindi umubra ang kagustuhan ng Cleveland Cavaliers na maitabla ang Game 4 ng NBA finals sa kanilang homecourt, matapos masungkit kanina ng Golden State Warriors ang Game 4 sa score na 108 – 97.
Dahil dito, 3-1 na ang standing ng Warriors.
Ibig sabihin, isang panalo na lang sila na ang tatanghaling kampyon ng 2016 NBA finals. Pero hindi naging madali ang pagkapanalo ng warriors sa Game 4 kanina.
Dikit ang laban mula 1st quarter sa score na 29-28 pabor sa Warriors. Sa second quarter lumamang ng limang puntos ang Cavs sa score na 55-50 habang bumawi ang warriors sa third quarter sa score na 79-77.
Binuhat ng magkapatid na Stephen Curry (38 points) at Klay Thompson (25 points) ang Warriors; habang sina Kyrie Irving (34 points) at Lebron James (25 points) ang umarangkada para sa Cavs.
Sa Martes, isasagawa ang Game 5 ng NBA Finals sa homecourt ng Warriors sa Oakland, California.
By: Jonathan Andal