Nagpadala ng Warship ang Taiwan sa West Philippine sea upang ipaglaban umano ang teritoryo nito.
Sinabi ni Taiwanese President Tsai Ing-Wen, determinado sila na ipaglaban ang isla ng Taiping na kabilang sa Spratly Islands na nasa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Matatandaang ibinaba kahapon ng Permanent Court of Arbitration ang pasya nito sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan nila sa nasabing teritoryo.
Pumabor sa Pilipinas ang desisyon dahil, batay sa pasya na korte, walang historical rights ang China at walang basehan ang pinanghahawakan nitong Nine Dash Line.
Dahil dito, umalma ang Taiwan dahil naapektuhan umano ang sarili nitong habol sa Taiping Island sa West Philippine Sea.
By: Avee Devierte