Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paghuhugas sa paa ng mga dating adik at ilang mga pulis sa Abril 13, Huwebes Santo.
Maliban sa mga dating adik at mga pulis, kasama rin sa washing of the feet ng kardinal ang ilang opisyal ng pamahalaan, volunteers, at ilang kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings.
Nagaganap ang washing of the feet tuwing Huwebes Santo bilang paggunita sa paghuhugas ni Kristo sa mga paa ng 12 niyang Apostoles.
By Avee Devierte / Ralph Obina