Nanawagan ang environment department sa mga Local Government Units (LGU) na magpasa ng ordinansa na mag-aatas sa mga barangay na magpatupad ng waste segregation sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, nararapat lamang na maipatupad sa barangay level ang kautusan para sa maayos na paghihiwalay o segregation ng mga basura.
Kasunod nito, inirekomenda ni Antiporda ang pagkakaroon ng mga environmental marshals para mag-monitor sa mga solid waste management practices sa mga kalapit na barangay.