Iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Philippine Rise at West Philippine Sea bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-isang daan at labing siyam (119) na anibersaryo ng kalayan.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla, isinagawa ang underwater flag raising ceremony sa Philippine Rise na dating tinatawag na Benham Rise.
Isang watawat na nakapaloob sa fiber glass ang ikinabit sa flagpole na nakatayo sa kongkretong bahagi ng Philippine Rise.
Nagsagawa rin aniya ship deck flag raising ang BRP Davao del Sur na naglalayag sa nasabing teritoryo.
Dagdag ni Padila, itinaas rin ang bandila ng bansa sa teritoryo nito sa West Philippine Sea partikular sa Pag-asa Island.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal