Iwinagayway na ng Philippine Marines ang watawat ng Pilipinas sa Tawi-Tawi, isa sa kilalang baluwarte ng Abu Sayyaf bilang patunay na kontrolado ng gobyerno ang nasabing lugar.
Isinagawa ang flag-raising ceremony sa Panguan Island ng mga miyembro ng Marines kasama ang Philippine Coast Guard personnel at lokal na komunidad.
Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander, Brig. General Custodio Parcon, kadalasang ginagamit ng mga bandido ang panguan bilang taguan at pahingahan.
Ang Panguan Island ay matatagpuan sa Sibutu Channel na isang international shipping lane kung saan nagsasagawa ng kidnapping activities ang ASG.
Samantala, tiniyak ng militar na hindi makahahadlang ang mga hamong kanilang kinakaharap sa pagpapatrol sa naturang isla.
By Drew Nacino
Watawat ng Pilipinas itinaas sa kilalang balwarte ng ASG was last modified: May 2nd, 2017 by DWIZ 882