Sabay-sabay na itinaas ang watawat ng Pilipinas dakong alas-otso ng umaga ngayong Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang flag raising sa Luneta Park kasama sina Mayor Erap Estarada at iba pang lokal na opisyal ng Maynila.
Si house speaker Gloria Macapagal Arroyo naman ang nanguna sa pagtaas ng watawat sa makasaysayang Barasoain Church at si Chief Justice Lucas Bersamin naman sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City.
Samantala, mamayang alas-dos ng hapon ay pangungunahan naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa kampo ng 103rd brigade sa Lanao Del Sur.
Bukod sa sabay-sabay na pagtaas ng mga bandila, naging bahagi rin ng selebrasyon ang kabi-kabilang job fair na sinusulong ng Department of Labor.