Inilabas na ang panibagong pasilip sa One More Chance sequel na pinamagatang “A Second Chance”, kung saan makikita ang magandang kasal nina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo).
Ipinasilip ang ilang eksena kung saan pinakahihintay na ng dalawa ang pagiging mag-asawa, gayundin ang mga kaibigang dumalo sa kasal—ngunit makikita din ang pagtatalo ng dalawa dahil na din sa mga problemang kakaharapin.
Kumukurot pa rin sa puso ang OST ng pelikula na I’ll Never Go na kinanta ni Erik Santos, matatandaang ito din ang ginamit noong 2007.
Nakatakdang ipalabas ang pelikula ngayong November 25 sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
*Watch here: