Napuno ng excitement ang halftime ng Super Bowl 50 sa performance ng Coldplay, Bruno Mars at Beyonce.
Unang kinanta ng Coldplay sa opening ang ‘Viva La Vida’ habang ang mga fans ay tumatakbong kasama niya sa field.
Naging makulay at festive din ang performance kung saan inawit ng Coldplay ang iba pa nilang hits.
Mas tumaas pa ang energy sa field nang lumabas na si Bruno Mars na kinanta ang hit na ‘Uptown Funk’, na sinundan din ng isang heart pumping performance mula kay Beyonce.
Una rito ay pinahanga din ni Lady Gaga ang crowd nang kantahin nito ang national anthem sa naturang sports event.
Tila nagbalik naman sa nakaraan ang mga fans nang ipakita ang iba pang mga naging Super Bowl halftime performances sa nakalipas na panahon, kabilang na sina Michael Jackson, Whitney Houston at iba pa.
WATCH via YouTube.com (OnlineTrending)
https://www.youtube.com/watch?v=UoGTDEPfAyg