Naging makahulugan ang performance ni Lady Gaga sa ginanap na 88th Academy Awards na sumentro sa kampanya kontra pang-aabuso partikular sa mga kabataan at eskwelahan.
Ipinakilala si Gaga ni US Vice President Joe Biden na personal na ipinanawagan ang pagbibigay pansin ng lipunan at pagtuldok sa mga ‘campus sexual assault’.
Puno ng emosyon na kinanata ng pop star ang ‘Til It Happens To You’ na naging nominado din sa Oscar para sa Best Original Song mula sa The Hunting Ground, isang documentary na nagpapakita ng pang-aabuso partikular ang ‘rape’ sa mga paaralan.
Bago matapos ang performance, sinamahan si Gaga ng ilang kabataan, babae at lalaki na may mga mensaheng nakasulat sa kanilang mga braso katulad na lang ng “Survivor”, “Not At All Your Fault” at “Unbreakable.”
Matatandaang si Gaga ay umamin na siya inabuso noong siya ay teenager pa.
Samantala, iniuwi ng “Writing’s on the Wall” ni Sam Smith ang Best Original Song mula sa James Bond movie na Spectre.
https://www.youtube.com/watch?v=TZhsJ1saExI