Sinurpresa ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez ang mga manood ng Kapamilya network’s trade event.
Sa isang post ng Star Magic sa Instagram, makikitang tumambling sabay split ang aktres.
Ito ay bahagi ng kanilang performance kasama ang anak na si Arjo Atayde.
Ikinagulat din ng manonood ang kakaiba at hataw na pagsayaw ng 46 – anyos na celebrity mom.
Ang mag – inang Sylvia at Arjo ay bahagi ng isang bagong teleserye sa naturang network na ‘Hanggang Saan’.