Inilabas na ang unang patikim sa pelikulang #WalangForever na kinatatampukan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.
Ipinapakita sa trailer ang pagtatanong sa iba’t ibang tao kung naniniwala ba talaga sila na may forever.
Ipinasilip din na ang karakter ni Jennylyn ay naniniwalang may forever habang kabaliktaran naman ang sa karakter ni Jericho.
Ang pelikula ay magiging bahagi ng Metro Manila Film Festival sa direksyon ni Dan Villegas. Matatandaang pinalitan ni Jericho ang dapat sana’y role para kay JM de Guzman.
Ito din ang pagsasamang muli sa pelikula nina Jennylyn Mercado at Direk Dan na una nang humakot ng mga parangal sa 2014 Metro Manila Film Festival matapos pumatok ang pelikulang English Only Please.
Watch Here: