Mahigpit na kinundena ng isang Watchdog at Think Tank ang anito’y patuloy na panghihimasok at paniniktik ng China sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito nang pagkakabunyag ng tangkang surveillance ng China sa Pilipinas nuong Arroyo Administration na nagtangkang ipasok ang national broadband network ng ZTE Corporation ng China nuong 2007.
Ayon kay Bency Ellorin, pangulo ng Pinoy aksyon for governance and the environment dapat malaman ng publiko na ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay kasabawat sa plano ng China na magpasok ng negosyo sa pilipinas para simulan ang pag-eespiya nito.
Ang NBN ZTE deal aniya ang unang malakihang pagtatangka ng China na maniktik sa pilipinas at mabuti na lamang ay nabantayan ng taumbayan at ng senado at napigil ang NBN ZTE scam.
Lumutang na ang mga isyung kabuntot ng nasabing scam tulad ng mga milyon milyong dolyar na suhol na kinasasangkutan nina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at dating NEDA Director General Romulo Neri.
Binigyang diin ni Ellorin na ang isyu hindi lamang graft and corruption at pandarambong kundi seguridad ng bayan at batid naman ng lahat na ang korporasyong Tsino ay inuutusan ng kanilang batas na tumulong sa paniniktik, spying o surveillance sa loob ng bansa kung saan mayruon silang mga negosyo.