Posibleng madagdagan na ang alokasyon ng tubig ng Maynilad at Manila Water.
Ito’y kasunod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), bagamat hindi pa maibabalik sa normal na alokasyon na 46 cubic meters (m3), posible namang maging 38m3 hanggang 40m3 per second na ang water allocation sa dalawang water utilities.
Malaking bagay na rin anila ito dahil ibig sabihin ay mababawasan na ang mga lugar sa Metro Manila na walang tubig.
Sa kasalukuyan ay nasa 36m3/sec ang alokasyon nito ng tubig.