Itinaas na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila at karatig na lalawigan.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Mula sa 36 meters3 per second (m3/sec), ginawa nang 40m3/sec ang alokasyon ng mga Manila Water at Maynilad Water services gayundin ang mga local water utilities sa mga karatig na lalawigan.
Nais umanong matiyak ng NWRB na aabot sa mahigit 210 meters ang lebel ng tubig sa pagtatapos ng 2019 para matiyak ang maayos na suplay pagsapit ng tag-init sa 2020.
Sa ngayon bahagya pa lamang umaangat sa normal operating level na 180 meters ang lebel ng Angat dam.