Inilatag ng Manila Water ang magiging scenario ng bayaran sa konsumo ng tubig kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Ayon kay Jeric Sevilla, spokesman ng Manila Water, posibleng sobra o kaya ay kulang ang halaga na malalagay sa bill ng Manila Water customers.
Ito ay dahil ibabase lamang nila sa average ng tatlong buwang konsumo ng bawat Manila Water customer ang ilalagay sa bill.
Kasabay nito ay muling tiniyak ni Sevilla na sapat ang suplay ng tubig ngayong ECQ at sa kabuuan ng panahon ng tag-init.