Malabong makaranas ng water crisis ang mga customer ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.
Ito ang tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office matapos aprubahan ang ikatlong bugso ng dagdag singil ng dalawang concessionaire simula Enero a – uno.
Ipinaliwanag ni MWSS-RO Chief Regulator Patrick Ty na bunsod ito ng bilyun-bilyong pisong kapital na ginastos ng mga konsesyonaryo upang masiguro ang maaasahan at mas maayos na serbisyo sa kanilang franchise areas.
Ayon kay Ty, gumastos na ang manila water ng 32.6 billion pesos at maynilad ng 47.5 billion pesos para sa taong 2023 hanggang 2024 bilang bahagi ng kanilang Capital Expenditure (CAPEX).
Ito, anya, ay para sa service continuity, service accessibility, water security, environmental sustainability projects, water sources programs, operations support programs, sewerage, programs at iba pang proyekto.