Namahagi ang Philippine National Police (PNP) ng water desalination machine sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette sa Region 7 at 8.
Bukod pa diyan, dala din ng naturang ahensya ang tatlong (3) rescue vehicle, water purifiers, portable movable toilets, collapsible tents, lighting apparatus, lifeboats, personal rescue equipment, at search sound detector na inilaan para sa search and rescue operations sa nasabing lugar.
Ang naturang mga donasyon ay mula umano sa Japanese Ambassador na si Kazuhiko Koshikawa kung saan ang mobile water desalination machine na nasa loob ng search and rescue trucks ay kayang gumawa ng 7.2 tons ng drinking water kada isang araw gamit lamang ang isang set ng filter na malaking tulong para magamit ng mga residente.
Dahil dito, matutugunan na ang kakulangan ng tubig o malinis na inumin na siyang lubos na kailangan ng mga nasalanta ng bagyong Odette.—sa panulat ni Angelica Doctolero