Malapit nang matapos ang konstruksyon ng water impoundment project sa Cuyapo, Nueva Ecija.
Ayon kay Armando Manabat, District Engineer ng Nueva Ecija 1st District Engineering Office, itinayo ang small water impounding project sa Sitio Tabon kasama ang rehabilitasyon ng natural na lawa.
Nagkakahalaga ito ng 9.8 million pesos at nasa 93.7% nang kumpleto.
Sa oras na matapos, makatutulong ang proyekto sa mga residente ng Barangay Bam-Banaba sa Cuyapo para magkaroon ng maayos na access sa tubig at hindi na masyadong bahain.
Maliban sa pagpigil sa pagbaha, tulong din ang proyekto sa sektor ng agrikultura sa lugar dahil suplay nitong tubig sa mga sakahan.