Nakararanas ngayon ng water service interruption ang mga residente sa ilang bahagi ng Caloocan, Valenzuela at Quezon City, maging sa Bulacan.
Sa inilabas na kalatas ng Maynilad, posibleng tumagal ang nararansang ‘low pressure’ hanggang sa ‘no water’ hanggang mamayang alas-7 ng gabi ngayong araw ng Martes, 7 ng Hulyo.
Paliwanag ng naturang water company, ito’y dahil sa maintenance activity ng kumpanya sa La Mesa Pumping Station.
Narito naman ang kumpletong tala ng mga apektadong lugar ng water service interruption:
Quezon City:
Batasan Hills, Commonwealth, Holy Spirit, Payatas, Kaligayan, Pasong Putik, Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Nova Proper, San Agustin, at Sta. Monica.
Caloocan City:
Barangay 165, 166, 168, 170 hanggang 178, at, llano.
Valenzuela City:
Bagbaguin, Bignay, Dalandanan, East at West Canumay, Gen.T. De Leon, Karuhatan, Lawang Bato, Lingunan, Malinta, Mapulang Lupa, Marulas, Parada, Paso De Blas, Pasolo, Punturin, Rincon, Ugong, at Viente Reales.
Bulacan:
Meycauayan water district sa Langka at Chicago.