Halos dalawang linggo pa ang aabutin bago tuluyang maibalik sa normal ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Cavite at Southern Metro Manila.
Kasalukuyang nakararanas ng water service interruption ang libu-libong residente sa anim na bayan sa Cavite, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque Cities.
Ito’y dahil umano sa nasirang sludge removal equipment sa treatment plant ng Maynilad sa Putatan, Muntinlupa.
Ayon sa Maynilad, hanggang Jan. 15, pa ang pagsasaayos sa nasabing aparato kaya magpapatuloy ang kakulangan ng tubig sa mga naturang lugar.
Tiniyak ng nasabing water concessionaire na nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan upang madagdagan ang water tankers na umiikot sa mga apektadong lugar.
Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa abalang dulot ng service interruption.