Nagpaalala ang Manila Water sa mga customer nito na mag-imbak ng tubig para paghandaan ang service interruption mula alas-9 mamayang gabi hanggang Miyerkules, November 9 sa ilang bahagi ng Rizal province dahil sa leak repair.
Kabilang sa mga apektado ang barangay Balite, Geronimo, San Rafael sa bayan ng Rodriguez; barangay San Roque at kahabaan ng Juan Sumulong street sa Antipolo City.
Hinihikayat naman ng Manila Water ang mga residente na hayaang dumaloy ang tubig sa gripo sa loob ng ilang minuto hanggang luminaw ito. —sa panulat ni Jenn Patrolla