Pinanatili ng National Water resources board ang 52 cubic meter per second water allocation para sa dalawang water concessionaire sa Metro Manila upang maiwasan na ang mga water interruption.
Alinsunod ito sa hirit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na palawigin ang 52 cms na alokasyon ng tubig hanggang katapusan ng Hunyo.
Ito’y upang mabigyan ang M.W.S.S. at mga water concessionaire ng sapat na panahon para ayusin ang kanilang mga pipe system at treatment facilities.
Umaasa si NWRB Executive Director Sevillo David na matutugunan na ng MWSS, maynilad at manila water ang mga issue sa supply ng tubig at matuldukan na ang mga interruption.
Kahapon sana ang deadline ng N.W.R.B. sa ipinatupad na 52 cms water allocation mula sa angat dam, na 90 % na nagsusupply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lugar.
Samantala, nasa 40 c.m.s. ang inilaang tubig para sa irigasyon na sapat para sa planting season.