Magkakaroon ng water interruptions sa Metro Manila sa Abril at Mayo.
Ito ang inanunsyo ng National Water Resources Board, dahil kanilang ibababa sa 48 cubic meters per seconds ang alokasyon ng tubig sa Maynilad at Manila Water sa Abril, habang 46 cubic meters per seconds naman ang itatapyas sa Mayo.
Ayon kay Susan Abaֹño, Division Chief ng NWRB policy and program, kanilang inaprubahan ang hiling ng Metropolitan Water Works and Sewerage and System na panatilihin na 50 cubic meters per seconds ang alokasyon ng tubig sa 2 kumpanya sa susunod na buwan.
Ngunit iginiit ni Division Chief Abaño na hindi nila kayang ipagpatuloy ito, sa gitna ng pagbaba ng tubig sa Angat Dam.
Dagdag pa ng opisyal, nakabatay ang kanilang alokasyon ng tubig sa mga water consessionaires sa simulation ng rainfall data ng pagasa o pag-ulan sa bansa. – sa panunulat ni Charles Laureta